Friday, March 09, 2012

Daing ng Isip, Pintig ng Puso

Isang linggo na lang ang hinihintay ko. Masakit aminin na andiyan lang siya dahil mahalaga ako sa kanya....dahil kailangan niya ako. Iba ang mahalaga sa minamahal. Hihintayin ko ang oras...ang dahan dahan niyang pag-alis. Nagpagamit ako..hindi dahil mangmang ako o tanga..kundi dahil para sa ikabubuti niya yon. Kung may pagmamahalman, hindi ko naramdaman. Ayokong tapusin ang isang bagay na nasimulan ko na. Naipangako ko na sasamahan ko siya hanggang sa huli. Matibay na ang dibdib ko sa sakit. Ilang ulit na bang sinaksak ako habang nakatalikod...madami na. Buhay pa din naman..lumalaban.

Payapa lang ang pakiramdam ko ngayon. Hindi na kailangang maging emosyunal..hindi dapat. Ngayong tag-araw mamahalin ko ang sarili ko. Uuwi ako sa pinagmulan ko..makikisalamuha..magpapalakas.

Payapa nga...ngunit hindi lubos ang saya. Kailan ako titigil sa pagiging alitaptap? Kay hirap lumipad sa dilim na naghahanap dala ang konting liwanag. Kay hirap hanapin ng tunay na pagmamahal. Gayunpaman..mananatili akong umaasa na matagpuan na "siya" o matagpuan na niya ako habang nasa panahon ako ng pananahimik at pagpapalakas. Naniniwala ako sa hiwagang dulot ng buhay. Tuloy pa rin ang pag-asa.

Sa isang banda ng isipan ko...kumusta kaya ang isang taong nasa paliparan? Hanggang ngayon nararamdaman ko ang pagiging malakas niya ngunit makasarili. Nakakalungkot ang pagkakataong ibinigay ko sa kanya.

Sa isang banda naman ng aking kamalayan...naiisip ko ang isang mahiwagang lalaki sa kabilang dulo ng mundo. Nararamdaman ko ang kanyang pagbabago...maaaring may suliranin siya. Kaydali niyang napukaw ang puso ko. Gusto niyang tahakin ang landas ng pagbabago. Sana'y maging matagumpay siya. Kayhirap mamuhay sa lupain ng dayuhan. Minsan sa aking pagpikit ginagalugad ko gamit ang lakas ng isipan ang katayuan niya sa dulo ng mundo...sinusubukang madama ang pintig ng puso niya.

Madaling araw na...kailangan nang ipahinga ang pagod na katawan at isipan. Maghahanda na muli sa bagong pakikipagsapalaran.

No comments: