Monday, October 01, 2007

Daing ng Puso

May mga tao talaga na iba ang sinasabi kaysa ginagawa. Bakit kaya ganoon?

Natural lamang sa isang tao na ipakita o ipagmalaki ang mga ginawang sa palagay niya ay magaling siya o nakakaangat sa iba. Meron din namang ipinagmamalaki kung ano ang meron siya o ang mga bagay na kayang gawin lalo na kung susukatin nito ang pagkalalaki ng isang tao.
Mahalaga sa tao ang pakiramdam na siya ay magaling. Ngunit, paano na kung ang mga sinabi ng isang tao ay naging walang saysay dahil hindi niya ito napatunayan o napanindigan?

Sa aking palagay siya ay isang walang kwentang tao. Hindi siya dapat binibigyan ng paggalang at panahon. Kahit isang segundo ay di dapat ibinibigay sa kanya dahil pag-aaksaya lamang ito ng oras.

Patuloy na iinog ang mundo, patuloy na tatakbo ang oras, at kailangang pagpapakatatag ang pananggalang dito. May mga mahiwagang oras na magdadaop ang landas dahil iisa ang ginagalawan. Nakakayanig man ang mga sulyap at titig, kailangang higpitan ang kapit sa mas natatanging pagmamahal sa mga taong umaasa, kailangang magsakripisyo at tiisin ang dumadagundong na pagmamahal na nanggagaling sa kaibuturan ng puso. Kailangang magpakatatag at hintayin ang tamang oras sapagkat siya ay hindi karapatdapat.

No comments: